(Wa)Lang Love: Love Stories na Walang Love Kaya Stories Na Lang

Rod Marmol

Lahat ng tao nagmamahal, dumarating sa parte ng buhay na maghahanp ng libro, artikulo, kanta, o pelikula tungkol sa mga hakbang kung paano ba mag-move on. Hindi 'yon ang ibibigay sa'yo ng librong ito. Dahil ang paghakbang ay simple lang, ilagay mo ang isang paa sa unahan ng isa, ulitin, hanggang sa makarating sa kailangang patunguhan. Alam nating hindi ganoon kadali ang paglimot. Kaya ang ibibigay ng librong ito ay hindi mga hakbang - kundi dance steps, chords, kumplikadong recipes. at mga paraan ng paglangoy, pagtalon, pagtakbo, pag-tinikling, pag-split, at pag-tumbling mula sa mga sakit at bakit. Hindi ka bibigyan ng librong ito ng isang formula na laging sakto ang sagot. Bibigyan ka ng librong ito ng mga tamang tanong para marating mo ang sarili mong kasagutan. Kung si Lang Leav ay magaling sa pagsusulat, ang librong (Wa)Lang Love ay eksperto sa pagsusugat. At mula sa mga sugat na ito, hugutin natin ang paghilom. Sama-sama, walang husgahan. Game?


Single Item for ₱250.00


Category: Novel, Novel / Tagalog Romance

Publisher: Summit Publishing Co., Inc.

Cover Price: N/A

ISSN : N/A

On-Sale-Date: 2017/05/10

Print Length: 152 pages

Country: Philippines

File Size : 34.02 MB

Language: Tagalog

Interactive Size : N/A


Customer Reviews

Average Rating:

5.0

out of 5 stars

Your rating


You might also like

  • (Wa)Lang Love: Love Stories na Walang Love Kaya Stories Na Lang

  • Lahat Tayo May Period; At Iba Pang Punctuation Marks