Pera sa Kusina

Ma. Aurora L. Sicat

Sa mahal ng mga bilihin at liit ng suweldong ating natatanggap, praktikal ang magtipid at bumili na lamang ng murang pagkain. Dahil hindi na makayanan ng ating bulsa ang halos lahat ng tinitinda ng mga negosyante, maaaring ang tanging libangan na lang natin ay ang kumain dahil hindi ito gaanong pinapatungan ng buwis. Dahil nga pangangailangan at libangan ang pagkain, isa ito sa pinakamagandang negosyo sa Pilipinas maging sa buong mundo. Oo’t sa bawat sulok ay may nakikita kang nagbebenta ng pagkain subalit hindi sila nawawalan ng customers lalo na kung mura at masarap ang kanilang putahe. Hindi ba’t nakakainggit na may mga canteen, carinderia, fastfood at restaurant na umaapaw ang mga customers? Gusto mo bang maging kasing unlad nila? Kung kaya’t naisipan ng Sound Publishing na maglimbag ng isa pang libro tungkol sa pagkain na katulad ng naunang Negosyong Patok. Gaya ng naunang Negosyong Patok, ang mga recipe rito ay madaling ihanda at lutuin. Maaari mo ring itong gawin sa bahay at ialok sa iyong kapitbahay, kaopisina, kaibigan at kamag-anak. Muling inihahandog namin sa inyo ang mga best-selling recipes kasama ang mga kakaiba ngunit napakamura at masarap na recipe na natuklasan ng aking tiya mula sa santol. Dito ninyo masusubukan ang maraming gamit ng santol mula suka hanggang kendi. Sinamahan ko din ng napakadaling ihandang mga recipe tulad ng milk tea, iced tea, banana chips, sago at gulaman, etc. Pinagsama-sama ko rin rito ang mga all-time favorite recipes ng mga Pinoy at unique/original recipes na maaari ninyong subukan at pagkaraan ay ialok. At kung talagang desidido kayong magnegosyo, ituturo rin ng librong ito kung paano gumawa ng mga fish processed products at fruit juice concentrates (kasama ang supplier) na maaari ninyong ialok sa inyong kaibigan, kapitbahay, kaopisina o kamag-anak kundi man i-distribute sa mga grocery at palengke. Isa na naman po itong recipe book na hitik sa recipes na madaling hagilapin ang mga sangkap. Inenegosyo ninyo man ito o ihahanda sa hapagkainan, tunay na mapapatakam ang titikim! Tara, magpakabusog na tayo!


Single Item for ₱289.00


Category: Business and Finance, Food and Beverage / General

Publisher: Sound Publishing Corporation

Cover Price: N/A

ISSN : N/A

On-Sale-Date: 2014/03/17

Print Length: 151 pages

Country: Philippines

File Size : 24.98 MB

Language: Tagalog

Interactive Size : N/A


Customer Reviews

Average Rating:

0.0

out of 5 stars

Your rating


You might also like

  • Pera sa Kusina

  • Negosyong Patok –Hot Businesses & Jobs